Magrehistro para bumoto
Piliin ang inyong estado o teritoryo para sa impormasyon kung paano magsimula.
Tutulungan ka ng Vote.gov:
Ang lahat ng mga estado maliban sa North Dakota ay kinakailangang magparehistro bago bumoto sa isang eleksyon. Piliin ang inyong estado o teritoryo mula sa dropdown menu para mahanap ang mga panuntunang nararapat sa inyo.
Ang mga mamamayan ng U.S. na naninirahan sa labas ng U.S., kabilang ang mga sundalo ng U.S. at kanilang mga pamilya, ay maaaring magparehistro para bumoto at humiling ng absentee ballot sa pamamagitan ng pagkumpleto ng Federal Post Card Application (Form upang magparehistro sa pagboto at paghiling ng absentee ballot para sa mga miyembro ng serbisyo militar, kanilang mga pamilya at mga mamamayang naninirahan sa ibang bansa). Ang mga miyembro ng pamilyang militar ng U.S., tulad ng iba, ay dapat matugunan ang mga kinakailangan sa pagiging karapat-dapat na botante ng U.S. para magparehistro at humiling ng isang balota. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Federal Voter Assistance Program (sa Ingles) (Programa ng tulong sa pagboto para sa mga miyembro ng serbisyo militar, kanilang mga pamilya, at mga mamamayang naninirahan sa ibang bansa).
Walang pambansang deadline sa pagpaparehistro ng botante. Dapat sundin ng mga botante sa bawat estado at teritoryo ang kanilang mga batas sa pagpaparehistro ng botante. Piliin ang inyong estado o teritoryo mula sa dropdown na menu para mahanap ang inyong deadline sa pagpaparehistro.
Kinakailangan ng mga mamamayan ng bawat estado maliban sa North Dakota na magparehistro kung nais nilang bumoto. Sa ilang mga estado, kinakailangan na ang mga botante ay magparehistro hanggang 30 araw bago ang isang eleksyon, habang sa iba ay pinapahintulutan ang pagpaparehistro hanggang mismo sa Araw ng Eleksyon. Mahalagang alam ninyo ang mga patakaran sa inyong estado.
Piliin ang inyong estado o teritoryo mula sa dropdown menu para ma-tsek ang inyong pagpaparehistro bago ang huling araw ng inyong estado. Maaaring hanggang 30 araw iyon bago ang eleksyon.
I-tsek din upang makita kung ang inyong rehistrasyon ay minarkahan na “inactive.” Maaari kayong maging “inactive” kung hindi kayo bumoto sa hindi bababa sa dalawang pederal na eleksyon at hindi tumugon sa pakikipag-ugnayan sa inyo ng mga opisyal ng halalan.
Ang isang di-aktibong estado ay hindi nangangahulugang kailangan ninyo na muling magparehistro. Ang ibig sabihin nito ay maaaring kailangan kayong gumawa ng mga karagdagang hakbang bago kayo makaboto. Ang opisina ng inyong opisyal sa eleksyon ng estado o ang inyong lokal na opisina ng eleksyon ay maaaring makatulong sa inyo na ilipat ang inyong status ng iyong pagpaparehistro pabalik sa active. Maari rin nilang sagutin ang inyo mga katanungan.
Tiyaking kayo ay nakarehistro gamit ang tamang pangalan, tirahan, at kaakibat ang partidong pampulitika. Bisitahin ang registration page ng inyong estado para sa impormasyon kung paano i-update ang inyong impormasyon sa rehistrasyon ng botante.
Lumipat man kayo sa malapit o malayo, kailangan ninyong i-update ang inyong rehistrasyon ng botante pagkatapos ng pagbabago ng tirahan. Piliin ang inyong estado o teritoryo mula sa dropdown menu upang matutunan kung paano magrehistro online o sa pamamagitan ng koreo. Kung ang inyong estado ay may online na rehistrasyon ng botante, maaaring iyon ang pinakamabilis na paraan upang gumawa ng mga pagbabago. Isumite ang inyong mga pagbabago bago ang deadline ng pagpaparehistro ng inyong estado, na maaaring hanggang 30 araw bago ang Araw ng Eleksyon. Ang inyong estado ay maaari ding mangailangan ng bagong lisensya sa pagmamaneho o ID kard. Tingnan kung anong uri ng ID ng botante ang kinakailangan ng inyong estado (sa Ingles).
Ang paglipat sa loob ng inyong estado
Kahit na lumipat ka sa inyong parehong estado, kakailanganin ninyong i-update ang inyong rehistrasyon gamit ang inyong bagong address ng tirahan.
Ang paglipat sa ibang estado
Magrehistro bago ang huling araw ng inyong bagong estado, na maaaring hanggang 30 araw bago ang eleksyon. Kung wala kang oras para magparehistro sa inyong bagong estado bago ang Araw ng Eleksyon, maaaring payagan ka ng inyong lumang estado na bumoto sa pamamagitan ng koreo o nang personal. Para sa mga taon ng eleksyon sa pagkapresidente, dapat kayong payagan ng inyong lumang estado na bumoto sa pamamagitan ng koreo o nang personal. Pagkatapos nito, kailangan ninyong magparehistro sa inyong bagong estado.
Paglipat sa ibang bansa
Ang mga mamamayan ng U.S. na naninirahan sa labas ng U.S. ay maaaring magparehistro para bumoto at humiling ng absentee na balota sa pamamagitan ng pagkumpleto sa Federal Post Card Application (sa Ingles) (Form upang magparehistro sa pagboto at paghiling ng absentee ballot para sa mga miyembro ng serbisyo militar, kanilang mga pamilya at mga mamamayang naninirahan sa ibang bansa). Tingnan ang Federal Voting Assistance Program (sa Ingles) (Programa ng tulong sa pagboto para sa mga miyembro ng serbisyo militar, kanilang mga pamilya, at mga mamamayang naninirahan sa ibang bansa)para sa higit pang mga mapagkukunan sa pagboto sa militar at sa ibang bansa.
Ang bawat estado ay may iba’t ibang proseso para piliin o baguhin ang inyong partidong kaakibat. Depende sa inyong estado, maaari kayong tanungin kung ano ang inyong kaakibat na partido kapag kayo ay nagparehistro para bumoto. Ang inyong estado ay maaaring walang kaakibat na partidong pampulitika para sa mga botante.
Piliin ang inyong estado o teritoryo mula sa dropdown menu para i-tsek ang inyong rehistrasyon ng botante, kasama ang inyong partidong pampulitika kung mayroon kayo nito. Bisitahin ang website ng rehistrasyon ng eleksyon ng inyong estado upang gumawa ng mga pagbabago. Ang pagpili ng kaakibat na partido ay hindi magagamit sa lahat ng estado.
Anuman ang pipiliin ninyong partido, ang proseso ng pagboto ay pareho sa isang pangkalahatang eleksyon, na kapag ang mga kandidato ay ibinoto sa mga katungkulan. Naaapektuhan ng inyong kaakibat na partido kung sino ang maaari ninyong iboto sa mga primary elections and caucuses (sa Ingles).
Kapag kayo ay nagparehistro para bumoto, kayo ay padadalhan ng kard ng rehistrasyon ng botante. Kinukumpirma ng kard na ito na kayo ay nakarehistro at handang bumoto. Karaniwang kasama sa inyong kard ng rehistrasyon ng botante ang inyong pangalan, tirahan, at address ng istasyon ng botohan kung saan kayo boboto. Maaari din ninyong hanapin ang inyong rehistrasyon ng botante gamit ang lookup tool ng rehistrasyon ng botante sa inyong estado sa online.
Kung nagbago ang inyong pangalan o tirahan, kailangan ninyong i-update ang inyong rehistrasyon ng botante. Kapag na-update na ninyo ang inyong impormasyon sa rehistrasyon ng botante, maaari kayong makatanggap ng bagong kard ng rehistrasyon ng botante, depende sa inyong estado. Kung mayroon kayong mga katanungan, ang inyong lokal na opisina ng eleksyon ay ang pinakamahusay na mapagkukunan para makatulong.
Karaniwang hindi ninyo kailangang dalhin ang inyong kard ng rehistrasyon ng botante para makaboto, ngunit maaaring kailanganin ninyong magpakita ng iba pang form of ID to vote (sa Ingles). Matuto nang higit pa tungkol sa voter registration (sa Ingles).