Magparehistro para bumoto sa New Mexico
Paano magparehistro para bumoto sa New Mexico
Simulan ang inyong online na pagpaparehistro sa website ng eleksyon ng estado ng New Mexico (sa Ingles).
Maaari din kayong magparehistro para bumoto sa pamamagitan ng koreo o nang personal sa website ng eleksyon ng estado ng New Mexico (sa Ingles).
Mga deadline ng pagpaparehistro ng botante sa New Mexico
- Deadline ng pagpaparehistro sa online 28 araw bago ang Araw ng Eleksyon
- Deadline ng pagpaparehistro sa pamamagitan ng koreo Dapat na naka-postmark 28 araw bago ang Araw ng Eleksyon
- Deadline ng personal na pagpaparehistro 28 araw bago ang Araw ng Eleksyon
Paano i-tsek ang inyong rehistrasyon ng botante
Maaari ninyong kumpirmahin ang istado ng inyong rehistrasyon ng botante sa website ng eleksyon ng estado ng New Mexico (sa Ingles).