Tungkol sa vote.gov

Ang aming misyon

Ang Vote.gov ay isang mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa tumpak na opisyal na impormasyon sa pagboto mula sa gobyerno ng U.S. ng publiko ng Amerika. Ang aming misyon ay gawing madali para sa lahat ng mga karapat-dapat na botante na maunawaan kung paano magparehistro at bumoto.

Ang Vote.gov ay nagdidirekta sa mga botante sa kanilang mga website ng eleksyon ng estado para sa impormasyon ng pagboto na espisipiko sa estado. Ang Vote.gov ay hindi nagrerehistro ng mga tao para bumoto. Kayo ay dapat direktang magparehistro sa inyong estado. Pinaprayoridad ng Vote.gov ang pribasiya ng mga gumagamit sa pamamagitan ng hindi pagkolekta o pag-iimbak ng anumang personal na data mula sa publiko.

Nag-aalok ang Vote.Gov ng impormasyon sa pagboto sa maraming mga wika. Ang Kawanihan ng Sensus ng U.S. ay nag-ulat na halos 70 milyong tao ang nagsasalita ng isang wika maliban sa Ingles sa bahay. Kami ay nagbibigay ng impormasyon sa pagboto sa mga wikang sumasalamin sa pagkakaiba-iba ng mga mamamayan ng U.S. upang tulungan ang mga tao na gamitin ang kanilang karapatang bumoto. 

Sino kami

Ang Vote.gov ay isang opisyal na website ng gobyerno ng U.S. na pinamamahalaan ng Technology Transformation Services_(sa ingles) sa loob ng Pangasiwaan ng Serbisyong Pangkalahatan.

Kami ay mahigpit na nakikipag-partner sa U.S. Election Assistance Commission (sa ingles) sa Cybersecurity and Infrastructure Security Agency (sa ingles) upang matiyak na kami ay naghahatid ng mapagkakatiwalaang pare-parehong impormasyon sa pagboto. 

Nakikipartner din kami sa iba pang mga ahensyang pederal — kabilang ang Federal Voting Assistance Program, U.S. Citizenship and Immigration Services, at Kagawaran ng Estado — upang magbahagi ng impormasyon tungkol sa pagboto sa mga tao kapag nakikipag-ugnayan sila sa ibang mga serbisyo ng gobyerno.

Kami ay mayroong malapit na relasyon sa mga opisyal ng estado at lokal na eleksyon sa pamamagitan ng National Association of Secretaries of State at National Association of State Election Directors upang matiyak na kami ay nagbabahagi ng tumpak na impormasyon sa pagboto ng estado.

 

Magparehistro