Pagboto bilang isang estudyante sa kolehiyo

Ang pagboto ay nagbibigay sa inyo ng kapangyarihan na hubugin ang inyong komunidad.

Female student at a voting booth

Ang inyong rehistrayon ng botante ay nakatali sa kung saan kayo nakatira. Bilang isang estudyante sa kolehiyo, kayo ay karaniwang makakapagrehistro para bumoto sa alinman sa inyong bayan o kung saan kayo pumapasok sa kolehiyo, depende sa mga kinakailangan sa paninirahan ng inyong estado. Tandaan: kayo ay maaaring manirahan sa higit sa isang lugar, ngunit kayo ay pinapayagan lamang na bumoto sa isa.

Pumili sa pagitan ng inyong bayan o bayan ng inyong kolehiyo

Kung kayo ay papasok sa kolehiyo sa ibang lungsod kaysa sa inyong bayan, narito ang mga bagay na maaari ninyong isaalang-alang kapag nagdedesisyon kung saan boboto:

  • Aling lokasyon ang mas maginhawa para sa inyo?
  • Sino ang nasa balota sa bawat lugar?
  • Mayroon bang mga lokal na patakaran o partikular na isyu na mahalaga sa inyo sa alinmang lugar?

Kung saan kayo magrerehistro para bumoto ay hindi makakaapekto sa inyong pederal na tulong pinansyal, kabilang ang Libreng Aplikasyon para sa Federal Student Aid, Pell Grants, Perkins, o mga pautang ng Stafford. Maaaring makaapekto ito kung kwalipikado kayo para sa tuition sa estado.

Pagboto sa inyong bayan

Kahit na wala kayo sa paaralan sa halos buong taon, kayo ay maaaring may opsyon na bumoto sa inyong bayan. Narito ang dapat tandaan:

  • Magparehistro para bumoto gamit ang inyong permanenteng tirahan sa inyong bayan. Gamitin ang inyong address sa kolehiyo bilang inyong mailing address sa inyong rehistrasyon.

Pagboto sa ibang bayan sa inyong sariling estado

Kung kayo ay nag-aaral sa kolehiyo sa inyong estado o teritoryo, ngunit sa ibang bayan, kayo ay maaaring may opsyong bumoto roon. Narito ang dapat tandaan:

  • Kung ito ang inyong unang pagkakataong magparehistro para bumoto, tingnan ang mga kinakailangan sa paninirahan para sa pagboto sa inyong estado. Maaaring kailanganin na kayo ay manirahan sa bayan ng inyong kolehiyo para sa isang tiyak na bilang ng mga araw bago kayo makapagrehistro doon.
  • Pagkatapos kumpirmahin ang inyong pagiging karapat-dapat, ay maaaring magparehistro para bumoto gamit ang address ng kalye ng gusali kung saan kayo ay nakatira, sa loob o labas man ng campus. Huwag gumamit ng campus mailbox address para magparehistro, ngunit maaari ninyong gamitin ang campus mailbox bilang inyong mailing address. Kung kayo ay hindi sigurado kung anong address ang gagamitin, makipag-ugnayan sa inyong civic engagement office ng paaralan o sa tanggapan ng lokal na eleksyon.
  • Kung kayo ay nakapagparehistro na para bumoto sa inyong bayan, i-update ang inyong rehistrasyon ng botante gamit ang inyong address sa kolehiyo. Para sa higit pang gabay sa kung aling address ang gagamitin, makipag-ugnayan sa tanggapan ng inyong lokal na eleksyon.
  • Kung kayo ay makakabiyahe sa inyong bayan sa panahon ng maagang pagboto o sa Araw ng Eleksyon, gumamit ng isang polling place locator (sa ingles) para malaman kung saan buboto.
  • Ang ilang mga estado ay nagpapahintulot na kayo ay humingi ng absentee o mail na balota kung hindi kayo makakaboto nang personal o mas gusto lamang na bumoto sa pamamagitan ng koreo. Ang ilang mga estado ay ganap na nagdaraos ng mga eleksyon sa pamamagitan ng koreo. Ang bawat estado ay may sariling mga alituntunin, kaya alamin ang mga tuntunin ng inyong estado o teritoryo.

Pagboto sa bayan ng inyong kolehiyo sa labas ng estado

Kung kayo ay nag-aaral sa kolehiyo sa isang estado na iba sa inyong estadong pinagmulan, kayo ay mayroong mga opsyon na bumoto doon. Narito ang dapat tandaan:

  • Sa ilang mga estado, kayo ay dapat naninirahan sa estado para sa isang tiyak na bilang ng mga araw bago kayo makapagrehistro upang bumoto doon. Tingnan ang mga kinakailangan sa paninirahan para sa pagboto sa website ng tanggapan ng eleksyon sa estado ng inyong kolehiyo.
  • Pagkatapos ninyong kumpirmahin ang inyong pagiging karapat-dapat, magparehistro para bumoto sa estado ng inyong kolehiyo. Maaaring kayong magparehistro upang bumoto gamit ang address ng kalye ng gusali kung saan kayo nakatira, sa loob o labas man ng campus. Huwag gumamit ng campus mailbox address para magparehistro, ngunit maaari ninyong gamitin ang campus mailbox bilang inyong mailing address. Kung kayo ay hindi sigurado sa kung anong address ang gagamitin, makipag-ugnayan sa inyong civic engagement office ng paaralan o sa tanggapan ng lokal na eleksyon.
  • Kayo ba ay nakapagparehistro na para bumoto sa inyong sariling estado, ngunit gusto ninyong baguhin ang inyong rehistrasyon sa inyong estado sa kolehiyo? Karamihan sa mga county at estado ay hindi nangangailangang na inyong kanselahin ang inyong rehistrasyon ng botante pagkatapos ninyong lumipat. Ngunit maraming mga tanggapan ng estado at lokal na eleksyon ang may mga pormularyo na maaari ninyong isumite upang kanselahin ang inyong rehistrasyon. Hanapin ang tanggapan ng inyong estado o lokal na eleksyon para makakuha ng mga pormularyo sa pagkansela ng botante.

Pagboto habang nag-aaral sa ibang bansa

Maaring kayong bumoto saanman sa mundo kung kayo ay isang mamamayan ng U.S. Mas alamin ang tungkol sa pagboto habang nasa labas ng U.S.

 

Magparehistro para bumoto

Kapag nakapagrehistro na kayo, maaari kayong makilahok sa lokal, estado, at pederal na eleksyon sa buong taon.

Kayo ay mayroong mga opsyon para sa pagpaparehistro

Ang bawat estado at teritoryo ay nagtatakda ng sarili nitong mga tuntunin para sa pagpaparehistro para bumoto. Baka kaya ninyong:

Hanapin ang mga deadline ng rehistrasyon ng botante

Walang deadline ang pambansang rehistrasyon ng botante. Sa ilang mga estado, ang huling araw para magparehistro ay 30 araw bago ang Araw ng Eleksyon. Sa ibang mga estado, kayo ay maaaring magparehistro sa Araw ng Eleksyon. Ang Araw ng Eleksyon ay tumutukoy sa anumang eleksyon (lokal, estado, o pambansang eleksyon). Hanapin ang mga deadline ng rehistrasyon ng botante sa inyong estado.

Handa nang bumoto?

Mayroong mga pleksible na opsyon para umayon ang pagboto sa inyong iskedyul at mga indibidwal na pangangailangan.

Mga kinakailangan sa pagkakakilanlan ng botante

Ang bawat estado at teritoryo ay nagtatakda ng sarili nitong mga tuntunin sa pagkakakilanlan ng botante. Sa karamihan ng mga estado, kayo ay dapat magdala ng inyong pagkakakilanlan para bumoto nang personal at magbigay ng impormasyon ng pagkakakilanlan kapag kayo ay bumoboto sa pamamagitan ng koreo. Alamin ang mga kinakailangan sa pagkakakilanlan ng botante sa inyong estado.

Kayo ay maaaring makakuha ng kard ng pagkakakilanlan sa motor vehicle office ng inyong estado, kahit na kayo ay hindi nagmamaneho. Kakailanganin ninyong magbayad para makakuha ng kard ng pagkakakilanlan, ngunit may mga organisasyon na maaaring makatulong sa inyo sa mga bayarin na nauugnay sa pagkakakilanlan.

Hindi ninyo kailangan ng kard ng rehistrasyon ng botante para bumoto.

Alamin ang tungkol sa inyong balota

Alamin kung paano ang inyong boto ay makakaapekto sa inyong komunidad upang kayo ay makagawa ng matalinong desisyon.

Karamihan sa mga tanggapan ng eleksyon ang nagpapaskil ng mga halimbawa na balota online. Ang ilan ay nagbibigay din ng impormasyon online o sa pamamagitan ng koreo tungkol sa mga kandidato at mga panukala sa balota. Tingnan ang website ng inyong estado o lokal na eleksyon para sa higit pang impormasyon.

Magpalista upang maging isang poll worker

Suportahan ang inyong komunidad sa pamamagitan ng pagiging isang may bayad na poll worker. Ang mga tungkulin ng poll worker ay magkakaiba depende sa kung saan kayo nakatira. Maraming mga tanggapan ng lokal na eleksyon ang may mga poll worker na gumagawa ng mga gawain tulad ng:

  • Mag-set up ng lokasyon ng pagboto
  • I-welcome ang mga botante
  • Kumpirmahin ang rehistrasyon ng botante
  • Mamigay ng mga balota
  • Tulungan ang mga botanteng gamitin ang voting equipment
  • Ipaliwanag ang mga pamamaraan ng pagboto

Bilang isang poll worker, kayo ay babayaran para sa inyong oras. Nag-iiba ang bayad depende sa lokasyon. Alamin ang tungkol sa kung paano maging isang poll worker. (sa ingles)