Pagboto habang walang bahay

Hindi ninyo kailangan ng tirahan para bumoto.

Voter sign in at polling place

Ang impormasyon sa pahinang ito ay para sa sinumang walang permanenteng tirahan. Kabilang dito ang mga taong palipat-lipat o wala pang tinitirahan. Kung kayo ay mayroong limitadong internet access, kayo ay maaaring pumunta nang personal sa tanggapan ng inyong lokal na eleksyon o tawagan sila para masagot ang inyong mga katanungan sa pagboto. Hanapin ang address at numero ng telepono ng tanggapan ng inyong estado o lokal na eleksyon sa online (sa ingles) o makakuha ng higit pang impormasyon sa inyong lokal na aklatan.

Kung kayo ay isang tagapagbigay ng serbisyo sa walang tirahan, ang United States Interagency Council on Homelessness ay may mas maraming mapagkukunan para sa pagtulong sa mga tao na bumoto.

Ano ang inyong kakailanganin para magrehistro

Kakailanganin ninyo ng isang uri ng pagkakakilanlan

Ang bawat estado at teritoryo ay may sariling mga tuntunin sa pagkakakilanlan sa botante. Maaaring hindi ninyo kailanganin ang pagkakakilanlan upang magparehistro para bumoto, ngunit sa karamihan ng mga estado, kayo ay dapat magdala ng pagkakakilanlan para bumoto nang personal. Maaari ninyong alamin ang mga partikular na kinakailangan sa pagkakakilanlan ng inyong estado sa online (sa ingles). Maaari din ninyong tanungin ang tanggapan ng inyong lokal na eleksyon tungkol sa kung anong uri ng pagkakakilanlan ang kakailanganin ninyo para magparehistro at bumoto.

Paano kung kayo ay walang kard ng pagkakakilanlan?

Kayo ay maaaring makakuha ng kard ng pagkakakilanlan sa motor vehicle office ng inyong estado, kahit na kayo ay hindi nagmamaneho. Maaaring kailanganin ninyong magbayad para makakuha ng kard ng pagkakakilanlan, ngunit may mga organisasyong maaaring makatulong sa inyo na bayaran ang identification fee. Ang ilang mga estado ay nag-aalok din ng mga libreng kard ng pagkakakilanlan o sa pinababang halaga para sa mga taong walang tirahan. 

Kakailanganin ninyo ng isang mailing address

Kayo ay kailangang magbigay ng isang mailing address upang ang inyong estado ay makapagpadala sa inyo ng mahalagang impormasyon sa pagboto sa pamamagitan ng koreo. Ang mailing address ay hindi kinakailangang isang pirmihang address ng bahay. Kung kayo ay walang pirmihang address ng bahay para makakuha ng koreo, kayo ay maaring gumamit ng ibang address bilang inyong mailing address.

Mga halimbawa ng isang mailing address na maari ninyong gamitin:

  • Isang malapit na shelter, kahit na hindi kayo kasalukuyang nakatira doon
  • Isang malapit na sentro ng relihiyon
  • General Delivery (sa ingles), kung ang inyong lokal na post office ay nag-aalok nito
  • Isang post office box sa isang lokal na post office na malapit sa kung saan kayo ay nakatira
  • Ang address ng tahanan ng isang kaibigan o miyembro ng pamilya na nakatira sa malapit

Kayo ay maaaring gumamit ng paglalarawan ng lugar kung saan kayo ay nakatira o natutulog bilang inyong tirahan, gaya ng parke o mga interseksyon ng mga kanto ng kalye. Hindi ninyo maaaring gamitin ang paglalarawang ito bilang inyong mailing address.

Gamitin ang inyong kasalukuyang address bilang parehong tirahan at mailing address kung kayo ay nakatira sa:

  • Isang shelter
  • Isang sentro ng relihiyon
  • Alinmang lugar ng komunidad

Kung kayo ay hindi sigurado kung anong address ang gagamitin, tanungin ang inyong tanggapan ng estado o lokal na eleksyon (sa ingles) .

Kung kayo ay lumipat pagkatapos ninyong magparehistro para bumoto 

Tandaan na tumawag o bumisita sa tanggapan ng inyong lokal na eleksyon upang i-update ang inyong tirahan at mailing address. Maraming mga estado ang pumapayag na i-update ang inyong address sa website ng eleksyon ng estado. Maari din kayong tumawag o bumisita sa tanggapan ng inyong lokal na eleksyon upang i-update ang inyong address. Pagkatapos ninyong i-update ang inyong address, maaari kayong bumoto sa mga eleksyon sa inyong bagong lokasyon.

Sa ilang mga estado, kayo ay dapat nakatira sa inyong tirahan para sa isang tiyak na bilang ng mga araw bago kayo makapagparehistro para bumoto doon. Tanungin ang tanggapan ng inyong lokal na eleksyon tungkol sa mga panuntunan sa paninirahan ng inyong estado.

Kung kailangan ninyong karagdagang tulong sa pagpaparehistro at pagboto

Humingi ng tulong sa pag-fill-out ng inyong rehistrasyon ng botante o balota sa koreo

Ang tanggapan ng inyong estado o lokal na eleksyon ay matutulungan kayo na punan ang inyong rehistrasyon ng botante o humiling ng balotang pangkoreo. Ang isang lokal na shelter o programa para sa mga taong walang bahay ay maaari ding makatulong sa inyo.

Maghanap ng transportasyon papunta sa inyong lugar ng pagboto

Kayo ay maaaring makapunta sa inyong lokasyon ng pagboto nang walang bayad sa pamamagitan ng mga lokal na grupo o isang ride-sharing service. Magtanong sa tanggapan ng inyong lokal na eleksyon o isang lokal na shelter tungkol sa inyong mga opsyon.
 

Mga pangunahing kaalaman sa rehistrasyon

Narito pa ang kung ano ang inyong mga kailangang malaman tungkol sa pagpaparehistro para bumoto.

Hanapin ang mga deadline ng rehistrasyon ng botante

Walang deadline ang pambansang rehistrasyon ng botante. Sa ilang mga estado, ang huling araw para magparehistro ay 30 araw bago ang Araw ng Eleksyon. Sa ibang mga estado, kayo ay maaaring magparehistro sa Araw ng Eleksyon. Ang Araw ng Eleksyon ay tumutukoy sa anumang eleksyon (lokal, estado, o pambansang eleksyon). Hanapin ang mga deadline ng rehistrasyon ng botante sa inyong estado.

Ang inyong kard ng rehistrasyon ng botante

Kapag kayo ay nagparehistro para bumoto o binago ang inyong rehistrasyon, kayo ay maaaring padalhan ng kard ng rehistrasyon ng botante. Ang kard na ito ang magkukumpirma na kayo ay nakarehistro at handang bumoto. Hindi ninyo kailangang dalhin ang inyong kard ng rehistrasyon ng botante upang makaboto, ngunit maaaring kailanganin ninyong magpakita ng isang klase ng pagkakakilanlan. Alamin kung paano makakuha ng kard ng rehistrasyon ng botante sa website ng eleksyon ng inyong estado o lokal.

Tingnan kung ang inyong rehistrasyon ay napapanahon

Siguraduhing kayo ay nakarehistro gamit ang tamang legal na pangalan at address sa website ng inyong estado. Maraming mga estado rin ang hihiling sa inyo na magparehistro sa isang partidong pampulitika para makaboto sa mga pangunahing eleksyon. Piliin ang inyong estado o teritoryo para kumpirmahin ang katayuan ng inyong rehistrasyon ng botante sa website ng eleksyon ng inyong estado.

Ang inyong rehistrasyon ay maaaring mamarkahan na "di-aktibo" kung kayo ay hindi bumoto sa hindi bababa sa dalawang pederal na eleksyon at hindi tumugon kapag ang mga opisyal ng eleksyon ay sumusubok na makipag-ugnayan sa inyo. Ang tanggapan ng eleksyon ng inyong estado o ang tanggpapan ng inyong lokal na eleksyon ay maaaring makatulong sa inyo na baguhin ang inyong katayuan sa rehistrayon pabalik sa aktibo o sagutin ang mga katanungan na maaaring mayroon ka.

Handa nang bumoto?

Ang mga paraan ng pagboto ay nag-iiba ayon sa estado at teritoryo. Gumawa ng isang plano para kayo ay handang bumoto.

Pagboto ng personal

Karamihan sa mga taong bumoto sa Araw ng Eleksyon ay dapat bumoto nang personal sa isang lokasyon ng pagboto. Pagdating ninyo sa lokasyon ng pagboto, makakakita kayo ng mga manggagawa sa eleksyon na handang tumulong sa inyo. Kayo ay buboto sa pamamagitan ng inyong pagpili sa mga pagpipilian sa isang papel na balota o sa pamamagitan ng paggamit ng isang electronic device.

Hanapin ang inyong lokasyon ng pagboto. Ang mga oras ng pagbubukas at pagsasara para sa mga lokasyon ng pagboto ay nag-iiba ayon sa hurisdiksyon. I-tsek sa inyong tanggapan ng estado o lokal na eleksyon kung kayo ay mayroong anumang mga katanungan tungkol sa inyong lokasyon ng pagboto.

Pagboto sa koreo at absentee voting

Ang ilang mga estado ay ganap na nagsasagawa ng mga eleksyon sa pamamagitan ng koreo. Ang iba ay pinapayagan na kayo ay humingi ng absentee ballot kung kayo ay hindi makakaboto nang personal o mas gusto lang na bumoto sa pamamagitan ng koreo. Ang bawat estado ay may sariling mga alituntunin, kaya I-tsek para makita kung kayo ay karapat dapat na bumoto sa pamamagitan ng koreo sa inyong estado.

Paano ibabalik ang balota sa koreo: 

  • Sa pamamagitan ng koreo: Sa ilang mga estado at teritoryo, ang mga balota ay may kasamang prepaid return envelope. Sa iba, kayo ay kailangang maglagay ng selyo sa inyong sobre bago ito ilagay sa koreo. Siguraduhing ganap na napunan ang inyong return envelope bago ipadala.
  • Sa Drop box o nang personal: Hindi ninyo kailangan ng selyo kung ibabalik ninyo ang inyong balota sa tanggapan ng inyong lokal na eleksyon o sa isang opisyal na ballot drop box. Marami ang gumagamit ng mga drop box, ngunit ang kanilang lokasyon at pagkakaroon ay maaring magkakaiba. Alamin sa tanggapan ng inyong lokal na eleksyon upang mahanap ang pinakamalapit na drop box sa inyo.