Pagboto ng may isang kapansanan

Ang inyong kakayahang bumoto ay protektado ng batas, at may mga akomodasyong maari ninyong magagamit.
 

A person in a wheelchair receives voting materials.

Bumoto man kayo nang personal o sa pamamagitan ng koreo, kayo ay mayroong karapatan sa mga akomodasyon sa aksesibilidad.

Pumili ng opsyon sa pagpaparehistro na gumagana para sa inyo

Magrehistro online: Karamihan sa mga estado ay nagpapahintulot na kayo ay magparehistro para bumoto at i-update ang rehistrasyon ng botante online. Piliin ang inyong estado upang makita kung nag-aalok ang inyong estado ng online na pagpaparehistro. Ang inyong estado ay dapat tiyakin na ang mga website ng eleksyon ay madaling gamitin para sa mga tao sa lahat ng kakayahan.

Magrehistro sa pamamagitan ng koreo: Maaari ninyong i-download, i-print at isumite ang National Mail Voter Registration Form (sa ingles) sa bawat estado maliban sa New Hampshire, North Dakota, Wisconsin, at Wyoming. Ang pormularyo ay mayroon sa maraming mga wika. Hilingin sa isang kaibigan o miyembro ng pamilya na kayo ay tulungang punan ang pormularyo, kung kinakailangan.

Magrehistro nang personal: Kayo ay maaaring magparehistro sa ilang uri ng mga tanggapan ng pamahalaan, kabilang ang:

  • Mga Tanggapan ng estado at lokal na eleksyon
  • Mga Tanggapan ng State motor vehicles
  • Mga tanggapan ng pampublikong tulong at kapansanan
  • Ilang mga aklatan
  • Sa ilang mga kampus ng kolehiyo at unibersidad

Kayo ay maaaring magdala ng isang tao upang kayo ay matulungang magparehistro, kung kinakailangan.

Mga akomodasyon sa aksesibilidad kapag bumoboto nang personal 

Kapag kayo ay bumoto nang personal, kayo ay may karapatang humingi ng mga akomodasyon sa aksesibilidad na magpapadali para sa inyong bumoto. Ang checklist ng Americans with Disabilities Act sa aksesibilidad sa lugar ng botohan ay may impormasyon tungkol sa kung ano ang maaari ninyong hilingin.

Ang mga halimbawa ng mga akomodasyon sa aksesibilidad na protektado ng batas ay kasama ang:

  • Suportang service animal
  • Isang tao na tutulong sa inyong bumoto (hindi maaari ang inyong employer o kinatawan ng unyon)
  • Mga handrail sa lahat ng hagdan sa lokasyon ng pagboto
  • Accessible parking na mga lugar
  • Mga materyales sa pagboto at sa eleksyon na nasa malaking print
  • Mga pasukan at pintuan sa lokasyon ng pagboto na hindi bababa sa 32 pulgada ang lapad
  • Mga lokasyon ng pagboto na wheelchair accessible, sa loob at labas
  • Hindi bababa sa isang accessible voting device sa bawat lokasyon. Ang mga device na ito ay tumutulong sa mga botante na bulag, may kapansanan sa paningin, o may iba pang mga pangangailangan sa aksesibilidad.
  • Mga poll worker para kayo ay tulungang gumamit ng mga accessible voting device

Maari din ninyong kontakin ang tangapan ng inyong estado o lokal na eleksyon bago ang Araw ng Eleksyon at tingnan kung ang inyong lokasyon ng pagboto ay may mga akomodasyon sa aksesibilidad na inyong kailangan. Kapag kayo ay nakikipag-usap sa kanila, maging malinaw kung ano ang kailangan ninyo para maging madali ang pagboto para sa inyo. Maaari din kayong humingi ng balota sa inyong wika o isang alternatibong format (tulad ng malaking print o audio).

Kung nalaman ninyo na ang inyong lokasyon ng pagboto ay hindi naa-access sa inyo, tanungin ang inyong tanggapan ng eleksyon tungkol sa iba pang magagamit na mga opsyon. Baka kaya ninyong:

Mga akomodasyon para sa pagboto sa pamamagitan ng koreo o absentee

Sa maraming mga estado, kayo ay maaaring pumiling bumoto ng absentee kung ang inyong lokasyon ng pagboto ay hindi naa-access para sa inyo, kayo ay bibiyahe sa Araw ng Eleksyon, o kung mas makatuwiran para sa inyo na bumoto mula sa bahay. Humingi ng absentee ballot sa inyong estado (sa ingles) . Ang ilang mga estado ay ganap na nagdaraos ng mga eleksyon sa pamamagitan ng koreo.

Narito ang ilang mga halimbawa ng mga akomodasyon na maaaring magagamit habang bumoboto sa pamamagitan ng koreo sa inyong estado:

  • Mga materyales sa pagboto sa isang alternatibong format, tulad ng malaking print o audio
  • Mga alternatibong kinakailangan sa lagda, tulad ng pag-type ng inyong lagda
  • Isang naa-access na remote ballot marking system. Ang opsyong ito ay nagpapahintulot sa inyong markahan ang isang balota sa elektronikong paraan, i-print ito, at pagkatapos ay ipadala ito sa koreo o ibalik ito sa inyong tanggapan ng eleksyon.

Siguraduhing may planong ibalik ang inyong balota. Depende sa mga batas ng estado, kayo ay maaaring magbalik sa pamamagitan ng koreo, drop box, o ipabalik sa isang tao ang balota para sa inyo. Ang ​​Electronic ballot return ay isa pang opsyon na maaaring magamit sa inyong estado. Ang opsyong ito ay nagpapahintulot sa inyo na ipadala muli ang inyong balota sa pamamagitan ng email, fax, o online na portal. ​ ​​ ​​

Higit pang mga tip at mapagkukunan para sa mga botante na may mga kapansanan

Kung kayo ay naniniwala na kayo ay nadiskrimina dahil sa inyong kapansanan kapag bumoboto, iulat ang inyong karanasan sa Department of Justice.

Ang Pederal na batas ay pinoprotektahan ang inyong karapatang bumoto

Ang ilang mga pederal na batas ay pinoprotektahan ang mga karapatan sa pagpaparehistro at sa pagboto ng mga Amerikanong may kapansanan:

Mas alamin ang tungkol sa mga pederal na batas na nagpoprotekta sa inyong kakayahang bumoto sa Gabay para Malaman ang Inyong mga Karapatan sa Pagboto (PDF) (sa ingles) mula sa Department of Justice.

Handa nang Bumoto?

Hanapin ang mga deadline ng rehistrasyon ng botante

Walang deadline ang pambansang rehistrasyon ng botante. Sa ilang mga estado, ang huling araw para magparehistro ay 30 araw bago ang Araw ng Eleksyon. Sa ibang mga estado, kayo ay maaaring magparehistro sa Araw ng Eleksyon. Ang Araw ng Eleksyon ay tumutukoy sa anumang eleksyon (lokal, estado, o pambansang eleksyon). Hanapin ang mga deadline ng rehistrasyon ng botante sa inyong estado.

Mga kinakailangan sa pagkakakilanlan ng botante

Ang bawat estado at teritoryo ay nagtatakda ng sarili nitong mga tuntunin sa pagkakakilanlan ng botante. Sa karamihan ng mga estado, kayo ay dapat magdala ng inyong pagkakakilanlan para bumoto nang personal at magbigay ng impormasyon ng pagkakakilanlan kapag kayo ay bumoboto sa pamamagitan ng koreo. Alamin ang mga kinakailangan sa pagkakakilanlan ng botante sa inyong estado.

Kayo ay maaaring makakuha ng kard ng pagkakakilanlan sa motor vehicle office ng inyong estado, kahit na kayo ay hindi nagmamaneho. Kakailanganin ninyong magbayad para makakuha ng kard ng pagkakakilanlan, ngunit may mga organisasyon na maaaring makatulong sa inyo sa mga bayarin na nauugnay sa pagkakakilanlan.

Hindi ninyo kailangan ng kard ng rehistrasyon ng botante para bumoto.

Suporta sa wika

Kung hindi Ingles ang inyong pangunahing wika at gusto ninyong bumoto sa ibang wika, kayo ay maaaring humingi ng tulong. Makipag-ugnayan sa tanggapan ng inyong lokal na eleksyon upang malaman kung anong uri ng suporta ang magagamit sa inyong wika tulad ng:

  • Impormasyon sa pagboto at mga materyales (tulad ng mga balota) sa inyong wika
  • Isang poll worker na maaaring makipag-ugnayan sa inyo sa inyong wika (kasama ang American Sign Language)
  • Isang miyembro ng pamilya o kaibigan na makakatulong na magsalin para sa inyo sa lugar ng botohan

Magpalista upang maging isang poll worker

Suportahan ang inyong komunidad sa pamamagitan ng pagiging isang may bayad na poll worker. Ang mga tungkulin ng poll worker ay magkakaiba depende sa kung saan kayo nakatira. Maraming mga tanggapan ng lokal na eleksyon ang may mga poll worker na gumagawa ng mga gawain tulad ng:

  • Mag-set up ng lokasyon ng pagboto
  • I-welcome ang mga botante
  • Kumpirmahin ang rehistrasyon ng botante
  • Mamigay ng mga balota
  • Tulungan ang mga botanteng gamitin ang voting equipment
  • Ipaliwanag ang mga pamamaraan ng pagboto

Bilang isang poll worker, kayo ay babayaran para sa inyong oras. Nag-iiba ang bayad depende sa lokasyon. Alamin ang tungkol sa kung paano maging isang poll worker. (sa ingles)