Kayo ay mayroong mga opsyon para sa pagpaparehistro
Ang bawat estado at teritoryo ay nagtatakda ng sarili nitong mga tuntunin para sa pagpaparehistro para bumoto. Baka kaya ninyong:
Tingnan kung ang inyong rehistrasyon ay napapanahon
Siguraduhing kayo ay nakarehistro gamit ang tamang legal na pangalan at address sa website ng inyong estado. Maraming mga estado rin ang hihiling sa inyo na magparehistro sa isang partidong pampulitika para makaboto sa mga pangunahing eleksyon. Piliin ang inyong estado o teritoryo para kumpirmahin ang katayuan ng inyong rehistrasyon ng botante sa website ng eleksyon ng inyong estado.
Ang inyong rehistrasyon ay maaaring mamarkahan na "di-aktibo" kung kayo ay hindi bumoto sa hindi bababa sa dalawang pederal na eleksyon at hindi tumugon kapag ang mga opisyal ng eleksyon ay sumusubok na makipag-ugnayan sa inyo. Ang tanggapan ng eleksyon ng inyong estado o ang tanggpapan ng inyong lokal na eleksyon ay maaaring makatulong sa inyo na baguhin ang inyong katayuan sa rehistrayon pabalik sa aktibo o sagutin ang mga katanungan na maaaring mayroon ka.
Baguhin ang inyong tirahan sa inyong rehistrasyon ng botante
Kailangan ninyong i-update ang inyong rehistrasyon ng botante pagkatapos ng pagbabago ng tirahan, lumipat ka man sa estado o sa labas ng estado. Kung kayo ay lumipat sa labas ng estado, magparehistro sa estado kung saan ka lumipat. Isumite ang inyong mga pagbabago bago ang deadline ng rehistrasyon ng inyong estado, na maaaring kasing aga ng 30 araw bago ang Araw ng Eleksyon.
Kung kayo ay walang panahong magparehistro sa inyong bagong estado bago ang isang pangkalahatang eleksyon sa pagkapangulo dahil ang deadline ng rehistrasyon ay natapos na, ang inyong dating estado ay dapat na pahintulutan kang bumoto, sa pamamagitan man ng koreo o nang personal. Sa mga eleksyon na di-panguluhan, kayo ay maaaring payagan ng inyong estado na bumoto. Pagkatapos nito, kakailanganin ninyong magparehistro sa inyong bagong estado.
Piliin ang inyong estado o teritoryo para i-update ang inyong impormasyon.
Baguhin ang inyong pangalan sa inyong rehistrasyon ng botante
Kailangan ninyong i-update ang inyong rehistrasyon ng botante sa inyong estado o teritoryo pagkatapos baguhin ang inyong legal na pangalan. Piliin ang inyong estado o teritoryo upang i-update ang inyong impormasyon.
Isumite ang inyong mga pagbabago bago ang deadliine ng pagpaparehistro ng inyong estado. Ang deadline ng pagpaparehistro para sa inyong estado ay maaaring kasing aga ng 30 araw bago ang Araw ng Eleksyon para sa isang lokal, estado, o pambansang eleksyon. Ang inyong estado ay maaari ring hilingin sa inyo na magbigay ng na-update na lisensya sa pagmamaneho o kard ng pagkakakilanlan kapag kayo ay
Baguhin ang inyong partidong pampulitika na kinabibilangan
Kapag kayo ay nagparehistro para bumoto, ang ilang mga estado at teritoryo ay maaaring magtanong tungkol sa inyong partidong politikal na kinabibilangan. Sa mga estado at teritoryo na may mga saradong primarya, kayo ay maaari lamang bumoto sa pangunahing eleksyon ng inyong partido. Sa mga pangkalahatang eleksyon, kayo ay maaaring bumoto para sa sinumang kandidato anuman ang inyong kinabibilangang partido.
Piliin ang inyong estado o teritoryo upang malaman kung paano i-update ang inyong partidong kinabibilangan. Ang inyong estado ay maaaring hilingin sa inyo na magparehistro muli sa inyong bagong kinabibilangan, punan ang isang maikling pormularyo, o magbigay ng mga opsyon para sa pagpapalit ng inyong kinabibilangang partido nang personal sa isang tanggapan ng lokal na eleksyon.
Hanapin ang mga deadline ng rehistrasyon ng botante
Walang deadline ang pambansang rehistrasyon ng botante. Sa ilang mga estado, ang huling araw para magparehistro ay 30 araw bago ang Araw ng Eleksyon. Sa ibang mga estado, kayo ay maaaring magparehistro sa Araw ng Eleksyon. Ang Araw ng Eleksyon ay tumutukoy sa anumang eleksyon (lokal, estado, o pambansang eleksyon). Hanapin ang mga deadline ng rehistrasyon ng botante sa inyong estado.
Ang inyong kard ng rehistrasyon ng botante
Kapag kayo ay nagparehistro para bumoto o binago ang inyong rehistrasyon, kayo ay maaaring padalhan ng kard ng rehistrasyon ng botante. Ang kard na ito ang magkukumpirma na kayo ay nakarehistro at handang bumoto. Hindi ninyo kailangang dalhin ang inyong kard ng rehistrasyon ng botante upang makaboto, ngunit maaaring kailanganin ninyong magpakita ng isang klase ng pagkakakilanlan. Alamin kung paano makakuha ng kard ng rehistrasyon ng botante sa website ng eleksyon ng inyong estado o lokal.
Pagboto habang nakatira sa labas ng U.S.
Kung kayo ay isang mamamayan ng U.S. na nakatira sa labas ng U.S., kayo ay maaaring magparehistro para bumoto at humiling ng absentee ballot (koreo) sa pamamagitan ng pagkumpleto ng Federal Post Card Application (sa ingles). Kung kayo ay isang miyembro ng militar ng U.S. o pamilya ng militar, maaari din ninyong gamitin ang Federal Post Card Application upang magparehistro para bumoto at humiling ng absentee ballot. Ang mga botante sa militar at sa ibang bansa ay maaaring malaman ang higit pang impormasyon mula sa Federal Voting Assistance Program sa ingles)