Pahayag ng Aksesibilidad

Sa vote.gov, kami ay nakatuon sa aksesibilidad. Aming patakaran na tiyaking ang lahat, kabilang ang mga taong may kapansanan, ay may buo at pantay na akseso sa mga mapagkukunan ng pagboto. Ang website ng vote.gov ay umaasa sa ilang mga teknolohiya upang matiyak na ito ay gumagana nang maayos sa mga gamit na tumutulong sa mga taong may kapansanan na ma-akseso ang impormasyon sa mga website. Kasama sa mga teknolohiyang ito ang HTML, WAI-ARIA, CSS at JavaScript. Tinitiyak nilang madaling gamitin ang site sa mga screen reader, screen magnifier, speech-recognition software at iba pang mga pantulong na teknolohiya.

Nilalaman

Pahayag ng Aksesibilidad

Ang grupo ng vote.gov ay nakatuon sa paglikha ng isang naa-akseso na website para sa lahat ng mga botante, kabilang ang mga taong nahihirapang makakita, makarinig, magpatakbo ng computer hardware, o nakakaranas ng mga hamon sa pag-iisip o pag-aaral. Sinisikap din naming maabot ang mga taong kulang sa serbisyo, kabilang ang mga taong ang pangunahing wika ay hindi Ingles. Ang aksesibilidad ay isang tuloy-tuloy na pagsisikap, at sinisikap naming pahusayin ang aming site sa pamamagitan ng pagbibigay ng regular na pagsasanay para sa mga empleyadong sumulat ng aming nilalaman, lumikha ng aming mga dokumento, at bumuo ng aming website.

Paano namin sinusuportahan at pinapanatili ang aksesibilidad

Tinitiyak namin ang aksesibilidad ng vote.gov sa pamamagitan ng:

  • Manu-manong pagsubok ng nilalaman para sa aksesibilidad ng keyboard at screen reader
  • Paggamit ng mga semantic section heading para ayusin ang nilalaman
  • Pagpapahintulot sa mga tao na gamitin ang keyboard para ma-akseso ang lahat ng mga link at interactive na bahagi ng aming website
  • Kasama ang “skip to main content” functionality
  • Pagdaragdag ng code sa mga panlabas na link upang ipahayag ang "pagbubukas sa bagong window" para sa mga screen reader
  • Pagbibigay ng detalyadong alt text para sa mga imahe, mga icon, at mga logo
  • Pakikipag-ugnayan sa mga tunay na tao sa pagsasalin ng nilalaman para maghatid ng konteksto at karanasan ng user
  • Pagpapahintulot sa mga user na baguhin ang sukat ng teksto ayon sa kagustuhan

Ang aming mga pamantayan sa aksesibilidad

Idinisenyo namin ang aming mga web page upang matugunan o lumampas sa mga pamantayan ng Section 508 (sa Ingles), na mga teknikal na kinakailangan na nagtitiyak na kami ay sumusunod sa batas pederal na Seksyon 508. Tumatalima rin kami sa W3C Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.1, na makikita sa W3C website (sa Ingles). Natutugunan namin sa Antas na AA ang mga pamantayan, na nangangahulugang ang aming nilalaman ay naa-akseso ng karamihan ng mga tao sa karamihan ng mga pangyayari.

Pagsangguni at Pagsubok

Napanatili namin ang isang independiyenteng ekspertong konsultant upang magsagawa ng tuluy-tuloy na pag-audit sa pamamagitan ng awtomatiko at manu-manong pagsubok para masuri at mapabuti ang aksesibilidad.

Kompatibilidad

  • Ang vote.gov ay tugma sa karamihan ng mga pangunahing Internet browser kabilang ang Chrome, Firefox, Edge, at Safari.
  • Ang nilalaman ng vote.gov maaaring matingnan sa isang smartphone, tablet, laptop, o desktop.

Tulong, feedback, at mga pormal na reklamo sa aksesibilidad

I-email kami sa Section508-vote@gsa.gov para sa mga katanungan, mga komento, o mga pormal na reklamo tungkol sa aksesibilidad ng vote.gov. Maaari din ninyong piliing punan ang pormularyo sa ibaba. Ang aming grupo ay maaring tumugon sa inyong mga katanungan, mga komento, o mga alalahanin sa parehong Ingles at Espanyol.

Touchpoints ID: votegov-accessibility-survey

Kapag nakikipag-ugnayan sa amin, mangyaring isama ang:

  • Ang web address, nakilala rin bilang isang URL. Ang isang tipikal na URL ay maaring http://example.gov/index.html o https://www.example.gov/example
  • Ang device at browser na ginagamit ninyo para ma-akseso ang vote.gov
  • Ang pantulong na teknolohiya na ginagamit, kung mayroon man
  • Isang paglalarawan ng problema at anumang impormasyon na hindi naa-akseso

Nota: Sinusubaybayan namin ang Section508-vote@gsa.gov sa normal na oras ng opisina Lunes hanggang Biyernes Eastern Time maliban sa mga pederal na pista opisyal o pagsasara.

Para sa karagdagang tulong sa aksesibilidad, punan ang pormularyo sa itaas sa alinman sa Ingles o Espanyol.

Para sa mga katanungan, o pormal na mga reklamo tungkol sa aksesibilidad ng kahit anong nilalaman ng vote.gov, i-email ang Section508-vote@gsa.gov.

Ang pahina ay sinuri at na-update noong Hulyo 2023.