Gabay sa pagboto

Isa sa pinakamahalagang mga karapatan ng mga mamamayang Amerikano ay ang karapatang bumoto. Ang pagboto ay nagbibigay sa inyo ng oportunidad na tumulong sa paghubog ng inyong komunidad. 

Vote stickers with American flags.

Kailan at saan buboto

Karamihan sa mga estado at teritoryo ay nag-aalok ng mga pleksible na opsyon upang tugunan ang inyong pangangailangan sa pagboto. Narito ang mga opsyon na maaaring mayroon sa inyong estado.

Pagboto ng personal

Karamihan sa mga taong bumoto sa Araw ng Eleksyon ay dapat bumoto nang personal sa isang lokasyon ng pagboto. Pagdating ninyo sa lokasyon ng pagboto, makakakita kayo ng mga manggagawa sa eleksyon na handang tumulong sa inyo. Kayo ay buboto sa pamamagitan ng inyong pagpili sa mga pagpipilian sa isang papel na balota o sa pamamagitan ng paggamit ng isang electronic device.

Hanapin ang inyong lokasyon ng pagboto. Ang mga oras ng pagbubukas at pagsasara para sa mga lokasyon ng pagboto ay nag-iiba ayon sa hurisdiksyon. I-tsek sa inyong tanggapan ng estado o lokal na eleksyon kung kayo ay mayroong anumang mga katanungan tungkol sa inyong lokasyon ng pagboto.

Maagang pagboto

Ang ilang mga lokasyon sa pagboto ay bukas bago ang Araw ng Eleksyon. Alamin kung pinapayagan ng inyong estado o teritoryo ang maagang pagboto nang personal o i-tsek sa tanggapan ng inyong estado o lokal na eleksyon para sa mga petsa at tuntunin sa maagang pagboto sa inyong lugar.

Pagboto sa koreo at absentee voting

Ang ilang mga estado ay ganap na nagsasagawa ng mga eleksyon sa pamamagitan ng koreo. Ang iba ay pinapayagan na kayo ay humingi ng absentee ballot kung kayo ay hindi makakaboto nang personal o mas gusto lang na bumoto sa pamamagitan ng koreo. Ang bawat estado ay may sariling mga alituntunin, kaya I-tsek para makita kung kayo ay karapat dapat na bumoto sa pamamagitan ng koreo sa inyong estado.

Paano ibabalik ang balota sa koreo: 

  • Sa pamamagitan ng koreo: Sa ilang mga estado at teritoryo, ang mga balota ay may kasamang prepaid return envelope. Sa iba, kayo ay kailangang maglagay ng selyo sa inyong sobre bago ito ilagay sa koreo. Siguraduhing ganap na napunan ang inyong return envelope bago ipadala.
  • Sa Drop box o nang personal: Hindi ninyo kailangan ng selyo kung ibabalik ninyo ang inyong balota sa tanggapan ng inyong lokal na eleksyon o sa isang opisyal na ballot drop box. Marami ang gumagamit ng mga drop box, ngunit ang kanilang lokasyon at pagkakaroon ay maaring magkakaiba. Alamin sa tanggapan ng inyong lokal na eleksyon upang mahanap ang pinakamalapit na drop box sa inyo.

Mas alamin ang tungkol sa Pagboto

Alamin ang tungkol sa inyong balota

Alamin kung paano ang inyong boto ay makakaapekto sa inyong komunidad upang kayo ay makagawa ng matalinong desisyon.

Karamihan sa mga tanggapan ng eleksyon ang nagpapaskil ng mga halimbawa na balota online. Ang ilan ay nagbibigay din ng impormasyon online o sa pamamagitan ng koreo tungkol sa mga kandidato at mga panukala sa balota. Tingnan ang website ng inyong estado o lokal na eleksyon para sa higit pang impormasyon.

Mga kinakailangan sa pagkakakilanlan ng botante

Ang bawat estado at teritoryo ay nagtatakda ng sarili nitong mga tuntunin sa pagkakakilanlan ng botante. Sa karamihan ng mga estado, kayo ay dapat magdala ng inyong pagkakakilanlan para bumoto nang personal at magbigay ng impormasyon ng pagkakakilanlan kapag kayo ay bumoboto sa pamamagitan ng koreo. Alamin ang mga kinakailangan sa pagkakakilanlan ng botante sa inyong estado.

Kayo ay maaaring makakuha ng kard ng pagkakakilanlan sa motor vehicle office ng inyong estado, kahit na kayo ay hindi nagmamaneho. Kakailanganin ninyong magbayad para makakuha ng kard ng pagkakakilanlan, ngunit may mga organisasyon na maaaring makatulong sa inyo sa mga bayarin na nauugnay sa pagkakakilanlan.

Hindi ninyo kailangan ng kard ng rehistrasyon ng botante para bumoto.

Suporta sa wika

Kung hindi Ingles ang inyong pangunahing wika at gusto ninyong bumoto sa ibang wika, kayo ay maaaring humingi ng tulong. Makipag-ugnayan sa tanggapan ng inyong lokal na eleksyon upang malaman kung anong uri ng suporta ang magagamit sa inyong wika tulad ng:

  • Impormasyon sa pagboto at mga materyales (tulad ng mga balota) sa inyong wika
  • Isang poll worker na maaaring makipag-ugnayan sa inyo sa inyong wika (kasama ang American Sign Language)
  • Isang miyembro ng pamilya o kaibigan na makakatulong na magsalin para sa inyo sa lugar ng botohan

Mga akomodasyon sa aksesibilidad

Kung kayo ay mayroong kapansanan, kayo ay mayroong legal na karapatan sa mga materyal na magagamit sa pagboto, tulad ng mga balota sa malalaking printa o mga audio format. Kung kayo ay buboto ng personal, mayroon din kayong karapatan sa accessible voting equipment at isang maa-acess na lokasyon ng pagboto.

Kung ang website ng eleksyon o lokasyon ng pagboto ng inyong estado ay hindi naa-access, kayo ay mayroong mga opsyon na humiling ng mga akomodasyon sa aksesibiliad. Makipag-ugnayan sa tanggapan ng inyong lokal na eleksyon kung:

  • Kayo ay nagkakaproblema sa pag-access sa website ng eleksyon ng inyong estado
  • Kayo ay walang akomodasyon sa aksesibilidad na inyong kailangan sa inyong lokasyon ng pagboto

Kung kayo ay naniniwalang nadiskrimina kayo batay sa isang kapansanan habang bumoboto, iulat ang inyong karanasan sa Department of Justice.

Hanapin ang mas malalim na gabay sa pagboto sa may kapansanan.

Pinoprotektahan ng mga pederal na batas ang inyong karapatang bumoto

Alamin tungkol sa mga pederal na batas na nagpoprotekta sa inyong kakayahang bumoto sa Gabay sa Pagkilala sa inyong mga Karapatan sa Pagboto mula sa Department of Justice. Mayroon ding gabay sa Espanyol.

Kayo ay maaring mag-ulat ng reklamo sa Department of Justice kung kayo ay nakaranas ng alinman sa mga sumusunod habang ginagawa ang inyong karapatang bumoto:

  • May nagduda sa inyong karapatang bumoto
  • Kayo ay nakatira sa isang lugar na kinakailangang magbigay ng mga materyales sa pagboto sa ilang partikular na wika, ngunit hindi natanggap ang mga materyales na iyon 
  • Kayo ay hindi nakatanggap ng mga akomodasyon sa aksesibilidad

Mas alamin ang tungkol sa kung paano tinitiyak ng pamahalaan na ang inyong boto ay tumpak na binibilang.

Magpalista upang maging isang poll worker

Suportahan ang inyong komunidad sa pamamagitan ng pagiging isang may bayad na poll worker. Ang mga tungkulin ng poll worker ay magkakaiba depende sa kung saan kayo nakatira. Maraming mga tanggapan ng lokal na eleksyon ang may mga poll worker na gumagawa ng mga gawain tulad ng:

  • Mag-set up ng lokasyon ng pagboto
  • I-welcome ang mga botante
  • Kumpirmahin ang rehistrasyon ng botante
  • Mamigay ng mga balota
  • Tulungan ang mga botanteng gamitin ang voting equipment
  • Ipaliwanag ang mga pamamaraan ng pagboto

Bilang isang poll worker, kayo ay babayaran para sa inyong oras. Nag-iiba ang bayad depende sa lokasyon. Alamin ang tungkol sa kung paano maging isang poll worker. (sa ingles)