Ang pagboto ay nagbibigay sa inyo ng kapangyarihang hubugin ang inyong kinabukasan at maging aktibong bahagi ng inyong komunidad.
Gawin ang unang hakbang sa inyong paglalakbay sa pagboto – magparehistro
Kayo ay maaring magpre-register bago kayo mag 18 (sa ingles) sa karamihan ng mga estado, sa District of Columbia, at sa mga teritoryo ng U.S, ngunit kayo ay dapat 18 na para bumoto. Ang ilang mga estado ay pumapayag na kayo ay bumoto sa mga pangunahing eleksyon sa edad na 17 kung kayo ay magiging 18 bago ang pangkalahatang eleksyon. Mas alamin ang tungkol sa mga tuntunin ng inyong estado at ang mga paparating na petsa ng eleksyon sa inyong lugar sa website ng eleksyon ng inyong estado (sa ingles).
Gumawa ng isang plano sa pagboto upang kayo ay maging handa
Ang mga paraan ng pagboto ay nag-iiba ayon sa estado at teritoryo. Karamihan sa mga estado ay nag-aalok ng mga pleksible na opsyon upang ang pagpaparehistro para bumoto at pagboto ay umayon sa inyong iskedyul at mga indibidwal na pangangailangan.
Kayo ay mayroong mga opsyon para sa pagpaparehistro
Ang bawat estado at teritoryo ay nagtatakda ng sarili nitong mga tuntunin para sa pagpaparehistro para bumoto. Baka kaya ninyong:
- Magrehistro online: Karamihan sa mga estado ay nag-aalok ng online na pagpaparehistro. Piliin ang inyong estado o teritoryo upang malaman kung kayo ay maaaring magparehistro online.
- Magrehistro sa pamamagitan ng koreo: Maaarii ding i-download at i-print ang National Mail Voter Registration Form (sa ingles) para magamit sa bawat estado maliban sa New Hampshire, North Dakota, Wisconsin, at Wyoming. Ang pormularyong ito ay makukuha sa maraming mga wika.
- Magrehistro nang personal: Kayo ay maaaring magparehistro nang personal sa inyong tanggapan ng estado o lokal na eleksyon o sa tanggapan ng inyong state motor vehicles.
Hanapin ang mga deadline ng rehistrasyon ng botante
Walang deadline ang pambansang rehistrasyon ng botante. Sa ilang mga estado, ang huling araw para magparehistro ay 30 araw bago ang Araw ng Eleksyon. Sa ibang mga estado, kayo ay maaaring magparehistro sa Araw ng Eleksyon. Ang Araw ng Eleksyon ay tumutukoy sa anumang eleksyon (lokal, estado, o pambansang eleksyon). Hanapin ang mga deadline ng rehistrasyon ng botante sa inyong estado.
Mga kinakailangan sa pagkakakilanlan ng botante
Ang bawat estado at teritoryo ay nagtatakda ng sarili nitong mga tuntunin sa pagkakakilanlan ng botante. Sa karamihan ng mga estado, kayo ay dapat magdala ng inyong pagkakakilanlan para bumoto nang personal at magbigay ng impormasyon ng pagkakakilanlan kapag kayo ay bumoboto sa pamamagitan ng koreo. Alamin ang mga kinakailangan sa pagkakakilanlan ng botante sa inyong estado.
Kayo ay maaaring makakuha ng kard ng pagkakakilanlan sa motor vehicle office ng inyong estado, kahit na kayo ay hindi nagmamaneho. Kakailanganin ninyong magbayad para makakuha ng kard ng pagkakakilanlan, ngunit may mga organisasyon na maaaring makatulong sa inyo sa mga bayarin na nauugnay sa pagkakakilanlan.
Hindi ninyo kailangan ng kard ng rehistrasyon ng botante para bumoto.
Pagboto ng personal
Karamihan sa mga taong bumoto sa Araw ng Eleksyon ay dapat bumoto nang personal sa isang lokasyon ng pagboto. Pagdating ninyo sa lokasyon ng pagboto, makakakita kayo ng mga manggagawa sa eleksyon na handang tumulong sa inyo. Kayo ay buboto sa pamamagitan ng inyong pagpili sa mga pagpipilian sa isang papel na balota o sa pamamagitan ng paggamit ng isang electronic device.
Hanapin ang inyong lokasyon ng pagboto. Ang mga oras ng pagbubukas at pagsasara para sa mga lokasyon ng pagboto ay nag-iiba ayon sa hurisdiksyon. I-tsek sa inyong tanggapan ng estado o lokal na eleksyon kung kayo ay mayroong anumang mga katanungan tungkol sa inyong lokasyon ng pagboto.
Maagang pagboto
Ang ilang mga lokasyon sa pagboto ay bukas bago ang Araw ng Eleksyon. Alamin kung pinapayagan ng inyong estado o teritoryo ang maagang pagboto nang personal o i-tsek sa tanggapan ng inyong estado o lokal na eleksyon para sa mga petsa at tuntunin sa maagang pagboto sa inyong lugar.
Pagboto sa koreo at absentee voting
Ang ilang mga estado ay ganap na nagsasagawa ng mga eleksyon sa pamamagitan ng koreo. Ang iba ay pinapayagan na kayo ay humingi ng absentee ballot kung kayo ay hindi makakaboto nang personal o mas gusto lang na bumoto sa pamamagitan ng koreo. Ang bawat estado ay may sariling mga alituntunin, kaya I-tsek para makita kung kayo ay karapat dapat na bumoto sa pamamagitan ng koreo sa inyong estado.
Paano ibabalik ang balota sa koreo:
- Sa pamamagitan ng koreo: Sa ilang mga estado at teritoryo, ang mga balota ay may kasamang prepaid return envelope. Sa iba, kayo ay kailangang maglagay ng selyo sa inyong sobre bago ito ilagay sa koreo. Siguraduhing ganap na napunan ang inyong return envelope bago ipadala.
- Sa Drop box o nang personal: Hindi ninyo kailangan ng selyo kung ibabalik ninyo ang inyong balota sa tanggapan ng inyong lokal na eleksyon o sa isang opisyal na ballot drop box. Marami ang gumagamit ng mga drop box, ngunit ang kanilang lokasyon at pagkakaroon ay maaring magkakaiba. Alamin sa tanggapan ng inyong lokal na eleksyon upang mahanap ang pinakamalapit na drop box sa inyo.
Alamin ang tungkol sa inyong balota
Alamin kung paano ang inyong boto ay makakaapekto sa inyong komunidad upang kayo ay makagawa ng matalinong desisyon.
Karamihan sa mga tanggapan ng eleksyon ang nagpapaskil ng mga halimbawa na balota online. Ang ilan ay nagbibigay din ng impormasyon online o sa pamamagitan ng koreo tungkol sa mga kandidato at mga panukala sa balota. Tingnan ang website ng inyong estado o lokal na eleksyon para sa higit pang impormasyon.
Magpalista upang maging isang poll worker
Suportahan ang inyong komunidad sa pamamagitan ng pagiging isang may bayad na poll worker. Ang mga tungkulin ng poll worker ay magkakaiba depende sa kung saan kayo nakatira. Maraming mga tanggapan ng lokal na eleksyon ang may mga poll worker na gumagawa ng mga gawain tulad ng:
- Mag-set up ng lokasyon ng pagboto
- I-welcome ang mga botante
- Kumpirmahin ang rehistrasyon ng botante
- Mamigay ng mga balota
- Tulungan ang mga botanteng gamitin ang voting equipment
- Ipaliwanag ang mga pamamaraan ng pagboto
Bilang isang poll worker, kayo ay babayaran para sa inyong oras. Nag-iiba ang bayad depende sa lokasyon. Alamin ang tungkol sa kung paano maging isang poll worker. (sa ingles)