Pagboto pagkatapos ng isang kombiksyong peloniya

Kayo ay maaaring karapat-dapat na bumoto. Ang bawat estado at teritoryo ay may iba't ibang batas.

A voter inserts their ballot in a box.

Ang impormasyon sa pahinang ito ay para sa mga taong may kombiksyong peloniya.

Kung kayo ay may kombiksyong peloniya, ang inyong mga karapatan sa pagboto ay maaaring maibalik. Ito ay depende sa mga batas ng inyong estado o teritoryo at sa mga detalye ng inyong sentensiya. Makipag-ugnayan sa inyong abogado o kinatawan ng hukuman upang makumpirma na nakumpleto na ninyo ang inyong sentensiya at natugunan ang mga kondisyon ng inyong paglaya. Kayo ay maaari ding makipag-ugnayan sa isang lokal na grupo ng adbokasiya na nakikipagtulungan sa mga dating nakulong. Sila ay madalas na may mga abogadong magagamit para tumulong.

Ang Gabay sa Mga Tuntunin sa Pagboto ng Estado Pagkatapos ng Isang Kriminal na Kombiksyon ng Department of Justice (sa ingles) ay makakatulong sa inyo na maunawaan ang inyong mga karapatan sa pagboto. Ang gabay ay nagbibigay ng impormasyon sa estado-kada-estado tungkol sa mga partikular na mga krimen at iba pang mga salik, tulad ng probasyon at parol, na maaaring makaapekto sa inyong karapatang bumoto. Kasama rin sa gabay ng Department of Justice ang impormasyon para sa mga taong may kombiksyon maliban sa isang peloniya, tulad ng misdemeanor o naaresto.

Ang pagpaparehistro para bumoto bago kayo ay maging karapat-dapat na bumoto ay maaaring magresulta sa kriminal na paglilitis.

Pangkalahatang gabay ayon sa estado at teritoryo

Ang bawat estado at teritoryo ay may iba't ibang mga batas tungkol sa pagboto pagkatapos ng isang kombiksyong peloniya. Dito ay makikita ninyo ang pangkalahatang gabay tungkol sa inyong kakayahang bumoto pagkatapos na makulong. Maaaring may mga karagdagang hakbang na kailangan ninyong gawin batay sa inyong kombiksyon, opensang peloniya, at iba pang detalye na partikular sa inyong senaryo.

Ang inyong karapatang bumoto ay hindi apektado ng isang kriminal na kombiksyon sa mga estado at teritoryong ito

  • Maine
  • Vermont
  • District of Columbia
  • Puerto Rico

Maari pa rin kayong bumoto habang kayo ay nasa bilangguan bilang sentensya. Alamin kung paano magparehistro kung kayo ay nakatira sa isa sa mga estado o teritoryong ito.

Kayo ay karapat-dapat na bumoto kaagad pagkatapos na kayo ay mapalaya mula sa bilangguan sa mga estado at teritoryong ito

  • California
  • Colorado
  • Connecticut
  • Guam
  • Hawaii
  • Illinois
  • Indiana
  • Maryland
  • Massachusetts
  • Michigan
  • Minnesota
  • Montana
  • Nevada
  • New Hampshire
  • New Jersey
  • New York
  • New Mexico
  • North Dakota
  • Ohio
  • Oregon
  • Pennsylvania
  • Rhode Island
  • Utah
  • Washington

Ang inyong mga karapatan sa pagboto ay ibabalik sa inyo, kahit na kayo ay nasa probasyon o parol, o kahit na kayo ay may utang na pera, kabilang ang: mga multa, bayarin, gastos, o restitusyon.

Kayo ay karapat-dapat na bumoto pagkatapos ninyong ganap na makumpleto ang anumang parol o probasyon sa mga estado at teritoryong ito

  • Alaska
  • American Samoa
  • Idaho
  • Kansas
  • Louisiana
  • Missouri
  • North Carolina
  • Northern Mariana Islands
  • Oklahoma
  • South Carolina
  • South Dakota
  • Texas
  • U.S. Virgin Islands
  • West Virginia
  • Wisconsin

Ang inyong mga karapatan sa pagboto ay maibabalik pagkatapos na kayo ay mapalaya mula sa bilangguan at makumpleto ang anumang parol o probasyon. Sa Louisiana, kayo ay maari ding maging karapat-dapat na bumoto habang nasa probasyon o kung kayo ay na parol nang mahigit na limang taon.

Kayo ay maaari o hindi maaaring maging karapat-dapat na bumoto pagkatapos ninyong ganap na makumpleto ang inyong sentensiya sa mga estadong ito

  • Alabama
  • Arizona
  • Arkansas
  • Delaware
  • Florida
  • Georgia
  • Iowa
  • Kentucky
  • Mississippi
  • Nebraska
  • Tennessee
  • Virginia
  • Wyoming

Maaari ninyong mabawi o hindi ang inyong mga karapatan sa pagboto pagkatapos na kayo ay mapalaya mula sa bilangguan at inyong ganap na nakumpleto ang inyong sentensiya. Ito ay nangangahulugan na kailangan ninyong kumpletuhin ang mga kondisyon ng inyong paglaya, kabilang ang parol, probasyon, at/o pagbabayad ng anumang inyong utang na pera, kabilang ang: mga multa, bayarin, gastos, o restitusyon. Kung kayo ay hindi siguradong may utang pa, makipag-ugnayan sa inyong abogado, tanggapan ng pampublikong tagapagtanggol sa county kung saan kayo ay sinentensiyahan, o sa korte ng county.

Depende sa inyong estado at sa mga detalye ng inyong kombiksyon, kayo ay maaaring:

  • Maging karapat-dapat na bumoto pagkatapos na makumpleto ninyo ang inyong sentensiya
  • Kailangang mag-apply upang maibalik ang inyong mga karapatan sa pagboto
  • Hindi na kailanman payagang bumoto muli

Ang mga batas ng estado at teritoryo ay maaring magbago

Tingnan ang mga uppdate sa mga karapatan sa pagboto. Kayo ay maaari ding makipag-ugnayan sa tanggapan ng inyong estado o lokal na eleksyon para sa pinakabagong impormasyon. Huling ini-update noong Marso 22, 2024.

Paano magparehistro para bumoto

Kapag inyong nakumpirma na kayo ay karapat-dapat na bumoto, maaari kayong magparehistro. Kahit na kayo ay nakapagparehistro noong nakaraan, kayo ay malamang na kailangang mag-update ng inyong rehistrasyon gamit ang inyong pinakabagong impormasyon, kasama ang inyong mailing address. Mas alamin ang tungkol sa mga opsyong ito para magrehistro at bumoto.